OMG! bakit kaya nasunog ang imahen ni Mama Mary sa Sorsogon?
Marami sa mga netizens ang kinilabutan matapos magliyab ang rebulto o imahen ni Mama Mary na Most Holy Rosary Shrine sa Casiguran, Sorsogon kagabi ng Oct. 13.
Bakit nasunog ang rebulto ni Mama Mary sa Sorsogon?
Ang lokasyon ng rebulto ni Mama Mary ay sa Casiguran Pier Site, sa Barangay Central, Sorsogon.
Ayon sa saksi na si Frecy Enguerra Guantero, sila ay nakatira malapit sa lugar nang bigla nalang napansin ng kanyang asawa ang malaking apoy sa imahen na mabilis umanong kumalat habang nagtatakip ito ng kanyang motor dahil sa maulan na panahon.
Ang sunog ay nangyari bandang 9:12PM ng gabi noong Oct. 13, at mabilis na naapula ang apoy mga bandang 9:20PM.

Ang Most Holy Rosary Shrine ay gawa sa mga materyales na fiber at styrofoam kaya mabilis lumakas at kumalat ang apoy kahit medyo maulan ang panahon.
Nakarating umano ang BFP sa naturang lugar habang ang apoy ay nasa bandang korona na ng imahen at nasunog na ang bandang gitna ng rebulto.
Ayon sa imbestigasyon ng BFP o Bureau of Fire Protection ng Casiguran, nagsimula ang sunod sa kandila na hindi nabantayan sa bandang ibaba ng imahen.
Nilinaw naman ng Bureau of Fire Protection na hindi sinadya ang pagkasunog ng Our Lady of the Most Holy Rosary Shrine.
Marami naman sa mga netizens ang nabahala dahil sa biglang pagkasunog ng imahen ni Mama Mary.
Ani ng Netizens : “wake up call yan dahil ayaw ng Diyos ng idolatry nag iisa lamang ang Diyos at dapat siyang iworship in Spirit and in Truth.”
“Sa amin po kc mga Kristiyano…pag sumasamba po kmi…kahit po nanjan ung mga rebulto…ndi po yan ang sinasamba nmin…ang laman po ng puso at isip nmin ang Diyos Ama, Anak at Ispirito Santo…saka ang mga Kristiyano mapagmahal sa kapwa at may mlasakit…my kilala nga aku halos every Sunday nsa Simbahan pero ang ugali zero ang mlasakit at pagmamahal sa kapwa…in short mkasarili…ang mga Kristiyano pangkalahatan ang pamumuhay…”
“grabe eto yung isang pangitain ni Rudy Baldwin before this year end kakapanood ko lang kahapon pero sabi nya don may mga simbahan na masusunog pero d naman sya actually simbahan talaga pero for me related parin sya sa sinabi nya kasi alam naman natin na dinarayo yan ng mga tourists tas nag leleave sila ng prayers, ano sa tingin nyo guys ???”
“Dios ko patawarid mo po kami Anu Mang dahilan bakit ka na sunog,,,,amen amen”
“Dios ko ano ng nangya2ri mundo pnginoon ikw lng ang tnging sandata nmin lahat wag mpo kming pabayaan” dagdag pa ng isa.