Lala Vinzon, kinasuhan ng kanyang ex.

Lala Vinzon accused of perjury by Mark Tolentino
Lala Vinzon

Bakit kaya nahaharap sa perjury at patong-patong na kaso ngayon si Lala Vinzon na isinampa ni Atty. Mark Tolentino?

Umabot na nga sa kasuhan ang noo’y masayang pagsasama ng aktres at singer na si Lala Vinzon sa kanyang ex live-in partner na si Atty. Mark Tolentino.

Bakit kinasuhan si Lala Vinzon ni Mark Tolentino?

Hindi lingid sa marami na si Ma. Isabella David Vinzon o mas kilalang ‘Lala’ ay isa sa apat na anak ng beteranong action star na si Roi Vinzon.

Lala Vinzon's father Roi Vinzon a photo together
Lala’s Father, Roi Vinzon

Nagkaroon ng live-partner si Lala at ito si Atty. Mark Tolentino, dahil umano sa sunod-sunod na mga insidente at tensyon sa pagitan nilang dalawa o sa relasyon nila ay nag-hain na ng reklamo ang abogado laban sa dalaga.

Ayon sa mga ulat, nagsampa ng patong-patong na mga kaso si Tolentino sa Mandaluyong Prosecutor’s Office noong Oct. 12, laban kay Lala.

Ang mga kaso na kinakaharap ngayon ni Lala ay ang perjury, falsification of public documents, obstruction of justice, oral defamation at unjust vexation.

Mababasa pa sa naturang reklamo na marami umanong witness ang nakakakitang sinasaktan diumano ni Lala si Tolentino, may mga panahon rin na nagtatalo sila habang nasa loob ng sasakyan na nauwi sa public scandal nong August.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng kanyang pahayag si Lala tungkol sa mga kasong isinampa sa kanya ni Atty. Tolentino.

Paano sumikat si Lala Vinzon?

Si Lala ay sumikat sa mundo ng showbiz hindi lang dahil anak siya ni Roi Vinzon kundi dahil sa kanyang mga talento lalo na sa pagkanta.

Nagsimula siyang gumawa ng mga song covers sa kanyang Youtube channel hanggang sa sumali si Lala sa blind audition ng ‘The Voice Teens Philippines’ noong 2017.

Dito na mas umingay ang kanyang pangalan dahil natapos niya ang singing audition, napili niya bilang coach si Bamboo at napasama sa Team ng ‘Kamp Kawayan’.

Pagkatapos ng singing contest ay nauwi ni Lala ang title bilang first runner up. Samantala, itinanghal naman bilang ‘The Voice Teens Champion’ si Jona Soquite.

Hindi pa natatapos ang showbiz journey ni Lala dahil matapos ang The Voice Teens, agad itong pumirma ng kontrata sa GMA Network upang ipagpatuloy ang kanyang singing at acting career.

Nakapag-released rin si Lala ng kanyang mga original songs tulad ng ‘Pansamantala’ at ‘Rebellious Heart’.

Ipinagpatuloy rin nito ang matagal na niyang pangarap, ang maging isang beauty queen. Sumali si Lala sa Binibining Pilipinas 2022 at dala-dala nito ang Mexico Pampanga.

Sa umpisa ay hindi nakapasok si Lala sa 40 candidates ngunit dahil may tatlong nag-dropped out na mga contestants isa siya sa mga mapalad na nakapasok.

Mahaba man ang naging kompetisyon, nauwi naman ni Lala ang ‘best in talent’ award, pero hindi siya nagtagumpay na makapasok sa Top 12.