Awra Briguela, first time sumali sa pageant : “Prouder of myself.”

Awra Briguela joins Hiyas Ng Silangan Pageant
Awra Briguela sumabak na sa Pageant

Bongga! Nagwagi bilang 1st runner up si Awra Briguela sa Hiyas Ng Silangan 2025 Pageant.

“Not Bad for a first timer.” ‘yan ang komento ng mga netizens matapos ibahagi ni Awra Briguela sa social media ang kanyang tagumpay sa mundo ng beauty pageant.

Ayon kay Awra, super proud siya na maging parte ng Hiyas Ng Silangan 2025 na ini-organisa ng UE o University of the East, ang kanyang paaralan sa kasalukuyan.

Aniya : “Grateful and proud to be part of Hiyas ng Silangan 2025 celebrating beauty, diversity and inclusivity in the University.”

Awra Briguela Hiyas Ng Silangan Gown
Beautiful Awra Briguela in her RED Evening Gown

Bakit sumali si Awra Briguela sa pageant?

Para kasi kay Awra, gusto niyang gamitin ang Hiyas Ng Silangan upang bigyan ng boses ang mga kagaya niyang nakakaranas ng judgement at bullying online o offline, pero patuloy na tumindig o ipaglaban para sa kung ano ang tama.

Pagbabahagi ni Awra : “I’ve been judged. I’ve been bullied. Yet here I am standing stronger, prouder, and louder. I am living proof that no amount of bullying can silence a brave heart,

“My advocacy is to stop bullying, both online and offline, because every person deserves to be respected, accepted, and loved. Let’s use our voices not to hurt, but to heal. Together, we can build a world where kindness wins.” bahagi ng pahayag ni Awra.

Awra Briguela, nasungkit ang korona sa Hiyas Ng Silangan 2025 Pageant bilang 1st runner up.

Masaya rin nitong ibinahagi sa social media ang pag-sungkit niya ng korona bilang first runner up sa naturang patimpalak kahit na 3 days nalang ang kanyang preparation.

Chika ni Awra : “1st place for a first timer not bad at all. I couldn’t be prouder of myself, knowing I only had three days to prepare for this pageant. Honestly, I was scared at first. I had zero experience in pageantry, but I still chose to join because I wanted my advocacy to be heard, loud and clear, straight from me.”

Say pa ni Awra na sa una raw ay medyo mahirap tanggapin na kaunting kembot nalang sana ay siya na ang magiging ‘title holder’ sa Hiyas Ng Silangan 2025, ngunit napagtanto nito ang rason kung bakit siya sumali, ito ay para sa kanyang adbokasiya.

Pagpapatuloy ni Awra : “At first, it was hard to accept the result being so close to the crown. But then I realized my true purpose in joining this pageant. I’ve always believed that everything happens for a reason and if it’s meant for me, it will be,

“Now that it’s finally sinking in, I can proudly say, I did that. In just three days of preparation, I made it happen and I couldn’t have done it without my amazing team.” say ng dalaga.

Marami naman sa mga netizens ang nagpa-abot ng kanilang congratulatory messages sa social media para kay Awra.

Ani ng netizens : “Congratulations! Awra, more pageants winnings anad crowns to come..”

Samanta, kung usapang ‘Beauty Queen with a heart’, bida din diyan si Celeste Cortesi matapos itong mag-donate ng P10 million para sa Cebu at Davao quake relief.