Gender reveal nina Whamos at Antonette kay Baby Sky, viral.

Whamos Cruz and Antonette Gail Baby Sky gender reveal
Whamos Cruz at Antonette Gail del Rosario

It’s a girl or a boy? ano kaya ang gender ni Baby Sky?

Masayang ibinahagi ni Antonette at Whamos sa social media ang kanilang latest vlog sa kanilang Youtube channel, dito nila ipinakita ang gender reveal ng pangalawa nilang anak na si Baby Sky.

Kung ating babalikan, nakaraang buwan lang ay ibinahagi ni Antonette sa kanilang mga fans ang muli niyang pagbubuntis, aniya : “From three to four — our little family just got bigger,”

Matapos malaman ni Antonette ang tungkol sa kanyang pagbubuntis, aminado ang content creator na hindi pa siya handa emotionally at physically na muling mabuntis.

Antonette Gail, hindi pa sana ready mabuntis.

Pagbabahagi niya : “Gusto ko, pag nabuntis ako, yung bago pa mag-Pasko, nanganak na ’ko. Kasi feeling ko kapag dinadaanan ako ng Pasko, sobrang tagal ng pagbubuntis mo,

“Hindi lang siguro talaga mag-sink in sa utak ko na, totoo ba ’to? Sabi ko kasi sa sarili ko na gusto ko, pag nagka-kapatid na si Meteor, kasal na kami ni Whamos,

“Mas parang yung una kong pregnancy, hindi ako kinabahan. Pero dito sa pangalawang pregnancy ko, parang mas kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. So, ayan parang ngayon ka pa lang nagbibigay ng time sa sarili mo. And buntis ka na naman ulit,

“Parang feeling ko kasi ang two years is bago pa lang siya. So parang kaka-heal pa lang ng body ko. Nagwawalwal pa lang ako sa labas. So mga ganun. Pero sobrang masaya ako. Kasi ang wish ko sana is girl. Kasi sabi ko gusto ko girl and boy. Tapos, tapos na ’to. Ayoko nang mabuntis pag nagkaroon ako ng girl and boy,

“Pero syempre sobrang thank you pa rin kay God sa binigay niyang blessing. And, sana kayanin ko itong pregnancy na ’to. Good luck sa akin. Kinaya ko naman yung una, pero syempre, kakayanin natin itong pangalawa.” umiiyak na pahayag ni Antonette.

“Hindi ko in-expect na mabubuntis ako ngayong taon kasi ayoko pa nga,” dagdag ng content creator.

Isang araw matapos lumabas ang viral fake post tungkol kina Whamos at Antonette sa Pampanga, inilabas na nila ang kanilang latest vlog na ‘Gender Reveal’ ni Baby Sky.

Baby Sky is a boy.

Kailan lang ay inamin ni Antonette na gustong-gusto niya talaga ng isang baby girl, ayon kasi sa kanya na kapag nagkaroon na sila ni Whamos ng baby boy at baby girl ay titigil na talaga siya na magpa-buntis pa ulit.

Hindi lingid sa marami na ang panganay nila Antonette at Whamos na si Baby Meteor ay isang baby boy, kaya labis na humihiling ang mga content creators na bigyan sana sila ng panginoon ng isang baby girl.

Pero tila hindi pa tumatadhana sa kanila ang panahon dahil si Baby Sky ay isang baby boy ulit.

Whamos Cruz and Antonette Gail gender reveal event of Baby Sky
Whamos Cruz at Antonette Gail del Rosario

Tila hindi pa talaga matatapos ang pagbubuntis journey ni Antonette Gail dahil kailangan pa nilang bumuo ulit ng isang baby girl for the third time.

Netizens, masaya para kina Whamos at Antonette.

Marami naman sa mga netizens ang nagpa-abot ng kanilang congratulatory messages para kina Whamos at Antonette, nagpasalamat rin ang mga content creators sa kanilang mga fans na patuloy na nagmamahal sa kanila.

Ani Whamos : “MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT NG NAG CONGRATS SAMEN MAHAL NA MAHAL PO NAMEN KAYO.”

May mga netizens naman ang nagsasabi na kailangan lang nilang mag-tiwala sa may kapal dahil sa tamang panahon, in God’s timing ay bibiyayaan rin sila ng isang Baby Girl.

Ani ng netizens : “Kaiiyak, ganyan din kasi feeling ko na gustong gusto magka baby girl. Mabuti na lang binigay na ni God . Wag kau mawalan pag asa, mga bata pa kayo… ilang yrs lang ulit baka bby girl na congrats.”

“Ako din pangarap ko magkaroon Ng baby girl kaya after 2 boys nagtry ulit kme baka girl na ung susundan ay 12 yrs old pero boy parin ung binigay samen ni Lord pero nagpapasalamat kme kz dumating c baby Red sa Buhay nmen kz my nagpapasaya na ulit sa aming munting tahanan super bless kaya thank you Lord”

“In God’s perfect time. Magkakababy girl din po kayo. Everything happens for a reason kaya Congratulations again to the both of you po.” dagdag pa ng isa.

Congratulations! Whamos and Antonette.