Bongga! matapos maghiwalay nina Julia Barretto at Gerald Anderson tila tuloy na ang wedding nila sa GenSan.
Ayon sa veteran columnist na si Cristy Fermin, ikakasal na sina Julia Barretto kay Gerald Anderson sa Gensan sa susunod na taon [2026].
Bakit sa GenSan ang wedding nina Julia at Gerald?
Hindi lingid sa marami na bago pumasok ang aktor na si Gerald Anderson sa bahay ni kuya o Pinoy Big Brother : Teen Edition noong 2006 dala dala niya ang kanyang hometown na GenSan o General Santos City. Lugar kung saan siya lumaki.
Nakilala siya sa loob ng PBB house bilang si ‘Amboy Hottie ng GenSan”, kaya siguro dito nila napagdesisyunan ni Julia na sa hometown ng aktor ang venue ng kanilang wedding.
Cristy Fermin, kinumpirma ang kasal nina Julia at Gerald.
Sa Youtube show ng programa ni Cristy Fermin na ‘Showbiz Now Na!” kasama niya sina Romel Chika at Wendell Alvarez bilang mga co-hosts. Dito na ibinahagi ng kolumnista ang tungkol sa nalalapit na kasal nina Julia at Gerald.
Ani Cristy Fermin : “Ayon sa aming source ay gaganapin [na] ang kasal nina Gerald at Julia sa General Santos City, sa GenSan kung saan nagmula at lumaki si Gerald,
“At kung hindi magbabago ang kanilang plano sa buwan ng Mayo o Hunyo sa susunod na taon [2026] Itatakda ang kanilang pagpapakasal,
“Basta ang mahalaga nagka-balikan na [sila] at patungo sa altar ang [kanilang] relasyon” dagdag ni Cristy.
Julia Barretto and Gerald Anderson break up timeline.
Naging usap-usapan sa social media ang hiwalayan nina Julia at Gerald matapos inanunsyo ng kani-kanilang mga talent managements ang tungkol sa kanilang break up.
Matapos ang kanilang break up announcement, tila nalink agad si Julia sa isang negosyante na si Lucas Lorenzo at si Gerald Anderson naman sa Signal HD Spikers volleyball player na si Vanessa ‘Vanie’ Gandler.
Ang mga ulat na ito tungkol sa mga taong na-involve kina Julia at Gerald ay hindi pa kumpirmado dahil bigla nalang ito na naglabasan sa social media.
Julia at Gerald, spotted na muling magkasama.
Ilang araw matapos malaman ng publiko ang hiwalayan nilang dalawa ay tila lumabas ang mga ulat na nagkabalikan na at nagkaayos na sina Julia at Gerald.
Spotted kasi silang dalawa na sabay dumating sa burol ng tiyuhin ni Julia na si Mito Barretto at sabay rin silang umalis na magkasama. Ang ulat na ito ay ibinahagi ng talent manager na si Ogie Diaz.
Ani Ogie : “Nagka-balikan na nga ba sina Julia at Gerald?
“Kahapon daw sa wake ni Mito Barretto, magkasama raw dumating ang dalawa ng mga 7pm, tapos after midnight eh sabay ding umalis. True ba?
“Kung true at least, napatunayan nilang mahal pa rin nila ang isa’t isa. Otherwise, they remain [as] friends. Hayaan natin silang sumagot kung true or false.” dagdag ng talent manager.
Gerald, naghahanap na ng ‘diamond ring’ para sa wedding nila ni Julia.
Sa pagbabahagi naman ni Cristy Fermin tungkol sa wedding nina Gerald at Julia, nakarating umano sa kanya mula sa kanyang ‘reliable source’ ang paghahanap ng aktor ng wedding o engagement ring para sa kasal ng celebrity couple.
Chika ni Cristy : “NAKA-ORDER na ng Diamond ring si Gerald,
“Alam po natin ang naganap apat na buwan na ang nakararaan, nagkahiwalay sila, hindi nagkikita, hindi nag-uusap at ang balita ayaw na ni Julia dahil may natuklasan siya kay Gerald, ‘di ba?
“Sabi ko na nga ba kapag tunay ang pagmamahalan, anuman ang mangyari.. [kahit] harangan man ng sibat mananatiling tapat! Alam n’yo po mga ka-chika ito po ay nais naming unang itawid sa inyo sa mga taga-hanga po nina Gerald Anderson at Julia Barretto, napakagandang balita po nito.” pagbabahagi ni Cristy.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng kanilang mga pahayag sina Julia Barretto at Gerald Anderson tungkol sa nalalapit nilang wedding sa susunod na taon.