Wow! May pa Face-off diumano sina Sarah Discaya at si Ciala Dismaya sa Bubble Gang, sobrang na excite ang mga netizens.
Hindi lingid sa marami na ipinakilala ng kapuso comedy genius na si Michael V ang bago nitong karakter sa Bubble Gang na si Ciala Dismaya.
Ito ay nagmula sa kataohan ng kontratista na si Sarah Discaya.
Marami naman sa mga netizens ang napatanong kung magiging okay lang ba ito kay Sarah?
Kung ating babalikan, nasa ilalim parin ng kontrobersya ang mag-asawang Discaya matapos nabulgar ang mga anomalya ng kanyang siyam na kompanya sa paggamit ng budget para sa mga flood control projects.
Naglabas naman ng kanyang pahayag si Michael V at nilinaw nito na hindi niya sisiraan si Sarah Discaya dahil ang kanilang show ay puro katatawanan lamang.
Pahayag ni Bitoy : “Kung ano ‘yung issue sa Senado, ‘yun din ang issue na tinackle namin [sa show]. Pero as usual with the Bubble Gang formula, kailangan ilihis mo ng konti [sa issue] at humorous [nakakatawa] siya,”
Dito na naglabas ng pahayag ang abogado ng mga Discaya na si Atty. Cornelio Samaniego III at nilinaw nito na walang problema para kay Sarah ang parody na ito ni Michael V sa Bubble Gang.
Ani Atty. Samaniego : “Hindi po. Okay lang sa kanya [kay Sarah]. Alam mo naman si Sir Bitoy, talaga namang idol ko nga ‘yan,
“Nirerespeto natin si Michael V. Idol natin iyan sa Bubble Gang [at] trabaho niya ‘yan. Parang ako, abogado, trabaho ko ito. Si Sir Michael, trabaho niya ‘yun. Doon siya kilala. So, bakit tayo magagalit?” dagdag pa ng abogado.
Samantala, habang pino-promote palang ang bagong karakter ni Bitoy na si Ciala Dismaya ay nagpadala diumano ng suggestion si Sarah Discaya sa show.
Nagpa-abot diumano si Sarah ng mensahe sa GMA 7 executive at sa staff ng Bubble Gang kung pwedi siyang mga-guest sa comedy show at mag-face off sila ni Ciala Dismaya.
Ngunit hindi pa umano nakakuha ng sagot si Sarah Discaya mula sa production.
Sa ngayon ay hindi pa kumpirmado ang guesting na ito ni Sarah Discaya sa Bubble Gang pero isa lang ang sigurado na ang komedyanteng si Vice Ganda ay nakapag-taping na sa naturang gag show.