How true kaya ang chika na bumibili si Heart ng mga fake Instagram followers?
Usap-usapan ng mga netizens sa social media ang tila’y pagbili diumano ng aktres-model na si Heart Evangelista ng followers sa Instagram.
Caption pa ng netizen sa Reddit : “Heart Evangelista buys fake Instagram followers – not one of her recent new followers is genuine (different accounts, same guy with different eyeglasses [laughing emoji].”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay mayroong 16.2M followers si Heart sa kanyang IG handle na ‘iamhearte’.
Ayon sa mga netizens, malaki umano ang nawalang followers ni Heart sa IG matapos masangkot ang kanyang asawa na si Sen. Chiz Escudero sa flood control projects scandal.
Ani ng netizen : “Ang dami nya kasing binlock at madami din nag unfollow sa kanya. Kaya kailangan bawiin sa fake followers para hindi obvious.”
“but damn 16m is still a lot. im just really curious kung ilan sa followers ang fake acct tlga.. but kung totoo yung presyuhan nabasa ko. online she can actually buy more sa dami ng nanakaw nila.” dagdag pa ng isa.
Hindi lingid sa marami na ang mga celebrities ay kumikita sa kanilang Instagram account sa pamamagitan ng brand collaborations, kaya isa si Heart sa tinatawag na ‘Queen Of Creative Collaborations’ dahil sa huge IG followers nito.
Say pa ng mga netizens na iniiwasan raw ni Heart na mapansin ng publiko ang malaking pagkawala ng mga followers niya kaya bumili nalang diumano ito ng mga bot o fake followers.
“Hahaha this is to counter her losing legit followers to make people think she’s still thriving and “unbothered”. Who knows baka nag-ambagan pa tayo pambayad nya ng trolls and bots na yan.”
“Sana may magpost ulet ng latest ng stats ng kanyang IG profile. I remember seeing a post not sure lang kung dito ba or sa FB. That post is before the testimony of Usec. Bernardo pa. Curious lang kung gano talaga binaba ng followers at engagement nya after that ni mes hurt!”
Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng kanyang pahayag si Heart tungkol sa pag-akusa sa kanya ng mga netizens na binili lang niya ang kanyang mga IG followers.