Gerald Anderson, papakasalan na si Julia Barretto.

Courtesy : Gerald Anderson and Julia Barretto
Courtesy : Gerald Anderson and Julia Barretto

This is it! Nagkabalikan na diumano sina Gerald Anderson at Julia Barretto matapos kinumpirma ng Star Magic at Viva ang kanilang break up.

Ika nga nila na ‘Love is sweeter the second time around’, kaya naman tila sa kasalan na talaga ang ending ng relasyon nina Gerald at Julia dahil bumili na ang aktor ng diamond ring para sa aktres.

Kung ating babalikan, ibinahagi ng talent manager na si Ogie Diaz noong Setyembre na nasa ‘Cool Off’ sina Gerald at Julia.

Ani Ogie : “Hindi sa wala na sila, ang sinabi sa akin [ng source] ay ayaw na ni Julia. Kung baga ayaw na ni Julia sa relasyon [nila] pero kay Gerald meron pa, si Julia ayaw na [talaga],

“Yun lang ang nakarating sa atin na hindi ko alam kung saan nanggagaling itong pag-ayaw ni Julia kay Gerald, kaya kung mapapansin ko raw sabi ng aking source, ‘tingnan mo hindi na sila nagkikita.’” say ni Ogie.

Matapos ang ilang araw, naglabas ng pahayag ang mga talent managements ng celebrity couple na Star Magic at Viva, kinumpirma nila ang break up ng dalawa at humihingi sila ng respeto sa naging desisyon nina Gerald at Julia.

Ani ng Star Magic : “Star Magic confirms that Gerald Anderson and Julia Barretto have mutually decided to end their relationship.

“We request the public to respect their decision and refrain from spreading false narratives.

“Gerald and Julia are grateful to their fans and friends for the love and support.” pahayag ng Star Magic.

October 2, ibinahagi ng veteran columnist na si Cristy Fermin sa kanyang Youtube show na ‘Showbiz Now Na!’ na nagkabalikan na diumano sina Julia at Gerald.

Bungad ni Cristy : “NAKA-ORDER na ng Diamond ring si Gerald,

“Alam po natin ang naganap apat na buwan na ang nakararaan, nagkahiwalay sila, hindi nagkikita, hindi nag-uusap at ang balita ayaw na ni Julia dahil may natuklasan siya kay Gerald, ‘di ba?

“Sabi ko na nga ba kapag tunay ang pagmamahalan, anuman ang mangyari.. [kahit] harangan man ng sibat mananatiling tapat! Alam n’yo po mga ka-chika ito po ay nais naming unang itawid sa inyo sa mga taga-hanga po nina Gerald Anderson at Julia Barretto, napakagandang balita po nito.” pagbabahagi ni Cristy.

Ayon kay Cristy mukhang nag-usap ng maayos sina Gerald at Julia para maayos ang kanilang relasyon, kamaikailan ay spotted ang dalawa sa lamay ng tiyuhin ng aktres na si Mito Barretto.