May Himala, bukol ni Ate Gay sa leeg lumiit na.

Courtesy : Ate Gay
Courtesy : Ate Gay

Masayang ibinahagi ni Gil Aducal Morales o mas kilalang si Ate Gay sa mundo ng showbiz ang update tungkol sa kanyang sakit na cancer.

Kung ating babalikan, ikinalungkot ng maraming fans at ng mga netizens ang balitang na diagnosed si Ate Gay 54, ng stage 4 cancer dahil nagkaroon ng malaking bukol ang kanyang leeg.

Matapos niyang malaman na nagkaroon siya ng stage 4 cancer ay halos hindi pa umano agad nag-sink in sa komedyante ang masamang balita na kanyang natanggap matapos sabihin sa kanya ng una nitong doktor na hindi na siya aabot sa taong 2026.

Say ni Ate Gay : “Mahirap ngayon ang lagay ko… May kanser ako, stage 4 daw. Magtatagal [pa] ba ang buhay ko?

“Ang sabi [ng doktor], hindi na daw ako aabutin ng 2026. Kaya ang sakit-sakit sa akin, hindi na rin daw ako puwedeng operahan. Wala raw lunas, masakit [para] sa akin.” pagbabahagi ng komedyante.

Aminado naman si Ate Gay na sumikat siya sa kanyang ‘Walang Himala’ skits habang ginagaya nito si Superstar Nora Aunor pero sa panahon raw ngayon ay mas kailangan niya ng isang Himala.

“Halos araw-araw umiiyak ako. Hindi naman ako nagkulang kay Lord, although lagi kong sinasabi na walang himala [pero] kailangan ko po ng dasal.

“Kailangan ko po ng lakas at sana po makayanan ko ang araw-araw kong buhay sa ngayon.” dagdag ni Ate Gay.

Sa naging panayam naman ng komedyante sa youtube show ng talent manager na si Ogie Diaz, masayang ibinahagi ni Ate Gay na sa kabila ng kanyang karamdaman ay may mga taong mabubuting puso na handang tumulong sa kanya para sa mas mabilis niyang paggaling.

May isang tao rin na sinagot na ang kanyang medical treatment at chemotheraphy sa isang kilalang ospital.

Matapos ang ilang araw na pabalik-balik ni Ate Gay sa ospital, nagbunga na ang panalangin ng mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya, nagkaroon kasi ng malaking improvements ang kanyang bukol sa leeg.

October 2, ibinahagi ng komedyante sa kanyang social media na lumiit na ang bukol sa kanyang leeg dahil mula sa 10cm na laki ay naging 8.5cm nalang ito.

Ani Ate Gay : “Ambilis ng pagliit ng bukol in 3days… 10cm naging 8.5 … maraming salamat po sa inyong lahat na nanalangin ng aking anggarang paggaling.. patuloy lang po….”

Courtesy : Ate Gay cancer update
Courtesy : Ate Gay cancer update

Panalangin naman ng lahat ay sana ay tuloy-tuloy na ang paggaling na ito ni Ate Gay dahil naniniwala sila na mas marami pa itong mapapasaya.

Nagsimula sa showbiz si Ate Gay taong 1999 sa pelikulang “Sa Paraiso Ni Efren”, pero mas nakilala siya ng marami bilang impersonator ni Superstar Nora Aunor at dito na ipinanganak ang kanyang stage name bilang si ‘Ate Gay’.