Isinugod sa ospital mula sa Pasig City jail si Pastor Apollo Quiboloy matapos mahirapan sa paghinga noong Sept. 11.
Kinumpirma ito ng BJMP o Bureau of Jail Management and Penology na nagkaroon ng pneumonia (community-acquired) si Quiboloy.
Agad itong iniulat sa Pasig City Regional Trial court branch 153, ang korte na may hawak sa mga kaso ng pastor upang payagan ang kanyang pagpapagamot.
Naglabas naman ng permiso ang Pasig City RTC para mapagamot si Quiboloy, dito na isinugod sa pampublikong ospital ang pastor ng KOJC o Kingdom Of Jesus Christ noong Sept. 15.
Kung ating babalikan, noong January 23 ay isinugod rin sa pagamutan si Quiboloy dahil sa pneumonia at agad naman na nakabalik sa kanyang kulungan noong February 12.
Sa kasalukuyan ay stable na raw ang lagay ni Pastor Quiboloy, ayon ito sa BJMP spokesperson na si Jail Supt. Jayrex Bustinera ngayong araw Sept. 30.
Ani Bustinera : “As of 30 September 2025, he is stable and recovering in a public hospital, in line with BJMP policies on medical care for persons deprived of liberty,”
Asahan rin natin na agad itong ibabalik sa kanyang selda sa panahon na ilalabas na siya ng ospital.
Hindi lingid sa marami na nakakulong ngayon si Apollo Quiboloy sa Pasig City Jail dahil sa kaso nitong child abuse at human trafficking na isinampa sa Pasig City at Quezon City court.
Marami ring kaso na kinakaharap si Quiboloy sa Amerika gaya na lamang ng bulk cash smuggling, sex trafficking at marami pang iba.
Kung matatandaan, nahuli si Pastor Apollo Quiboloy sa KOJC compound sa Davao City noong August 24 matapos magpadala ng 2,000 PNP o Philippine National Police personnels ang pamahalaan para sa kanyang pagkadakip.
Agad na inihain kay Quiboloy at sa mga kasama nito ang kanilang mga arrest warrant, na kinumpirma ni DILG Sec. Benhur Abalos matapos nitong ianunsyo ang pagkahuli ng Pastor noong Sept. 8 2024.