Si Zaldy Co pala ang may-ari ng resort sa Albay kung saan kinukunan ang bagong serye ni Donny Pangilinan na Roja.
Hindi lingid sa marami na isa ang aktor na si Donny Pangilinan sa mga celebrities na nakilahok sa ginanap na TPM rally o ‘Trillion Peso March’ sa Luneta noong Sept 21.
Panawagan ni Donny : “”Ibalik Niyo Ang Pera Ng Taumbayan.”
Sa rally na ito, panawagan ng lahat na sana ay managot at makulong ang mga politiko at mga kontratista na nasa likod ng korapsyon at anomalya sa mga flood control projects ng gobyerno.
Hindi lingid sa marami na isa si Zaldy Co sa mga politikong nasasangkot ngayon sa korapsyon ng mga proyektong ipinagkatiwala sa kanyang construction company.
Inaakusahan rin si Zaldy na kumukuha ng ‘kickback’ mula sa mga kontratista na nakakakuha ng proyekto mula sa pamahalaan.
For a quick background, si Rizaldy ‘Zaldy’ Co (ang former Ako Bicol Partylist Rep.) at ang CEO ng Sunwest Group of Companies o Sunwest Inc.
Ang kompanyang ito ay sangkot sa alleged corruption na pasok sa Top 15 construction companies na pinangalanan at nasa listahan na inilabas ni Pres. Bongbong Marcos Jr.
Ang Sunwest Inc. ay pinagkalooban ng Bilyones na kontrata mula sa DPWH o Department of Public Works and Highways taong 2023 hanggang 2025 para sa mga proyekto gaya na lamang ng mga kalsada, mga gusali, tulay at lalong-lalo na para sa mga flood control projects.
Dahil sa mga alegasyon na ito, tila agad na lumipad papunta sa ibang bansa si Zaldy at hindi pa ito umuuwi hanggang sa ngayon, nanawagan naman ang kanyang anak na si Ellis Co na umuwi na ang kanyang ama upang harapin nito ang mga binabato sa kanya.
Tila isang malaking ‘plot twist’ naman ito sa aktor na si Donny Pangilinan dahil matapos itong makisama sa Luneta Rally laban sa mga buwayang politiko gaya na lamang ni Zaldy.
Lumabas na ang may-ari pala ng lokasyon kung saan ang taping place ng bagong serye ni Donny na Roja ay si Zaldy Co.

Ang resort na ito ni Zaldy ay ang Misibis Bay Resort sa Cagraray Island, Bacacay, Albay, at kasalukuyan na naka lock-in taping sina Donny at ang mga production staff ng serye sa lokasyon na ito.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang aktor na si Donny Pangilinan tungkol sa lokasyon ng kanilang lock-in taping na pagmamay-ari pala ni Zaldy Co.