Dead on arrival sa Tarlac ang dalawang estudyante dahil sa plane crash.
Bumagsak o nag-crash ang isang ultralight plane sa palayan ng Brgy. Panalicsican sa Concepcion, Tarlac noong Oct. 18, 11am.
Ayon sa mga ulat, ang dalawang sakay ng naturang aircraft ay mga pawang estudyante na nag-aaral umano sa ‘flying school’ at parehong residente ng Pampanga.
Ang 19 years old na lalaking piloto ay nakilala ng mga awtoridad na nakatira sa Mabalacat, Pampanga habang ang 18 years old na babaeng sakay nito ay residente ng Macabebe.
Anyare bagong ang plane crash sa Tarlac?
Maaga umanong nag-take off ang 2-seater na eroplanong may tatak na RP-S2772 (color yellow) mula sa flying club ng Magalang, Pampanga.
Ayon sa mga nakakitang mga residente, gumiwang-giwang muna ang aircraft na tila nawawalan ng kontrol ang piloto bago ito tuluyang bumagsak sa kahabaan o gitna ng isang palayan sa Tarlac.
Sa ulat ng mga pulisya, bumagsak ang eroplano ng 11am, Sabado at ito ay agad na naireport bandang 12:35pm, Dali-daling nag-responde ang MDRRMO o Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Dito na nila nakita ang dalawang estudyante na nakaipit sa wasak-wasak na mga bahagi ng eroplano, Maingat nila itong narecovered at agad na isinugod sa Concepcion District Hospital ngunit sila ay idineklarang dead on arrival.
Samantala, sinuspende muna ng CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines ang operasyon ng Woodland Airpark, ang operator ng bumagsak na eroplano sa Tarlac.
Pagbabahagi ng CAAP na magsasagawa muna sila ng ‘safety and operations audit’ upang matiyak na ligtas ang lahat ng mga eroplano at kung sumusunod talaga sa aviation safety standards ang Woodland Airpark.
Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang pahayag tungkol sa Tarlac plane crash na ito. Anila na dapat ang mga studyanteng piloto ay may kasama man lang na instructor sa flight para maiwasan ang mga ganitong aksidente.
Ani ng netizens : “At the age of 19 years old dapat meron pa yang kasamang instructor pilot baka more or less than 100hrs flying palang cya sa pilot logbook nya,
“Still at the age of 19 years old he didn’t know yet all the procedure when it comes to emergency like engine quit and experience turbulence in the air I’ve been working in Angeles city flying club before and I know that aircraft and I maintaining that before.”
“The male pilot is a classmate of my daughter na kasama pa nila sa school, nag exam pa daw sila yesterday. So ingat lang po sa ating mga kabataan.” dagdag pa ng isa.
Sa ngayon, habang sinusulat namin ang balitang ito ay patuloy parin ang imbestigasyon kung ano ang tunay na sanhi ng plane crash.